“Sa kanyang pahayag sa telebisyon, nagsinungaling si Aquino at umiilag sa katotohanan. Hindi marunong tumanggap ng command responsibility, kahit na may direct responsibility siya. Hindi niya hinarap ang pinakaimportanteng tanong sa kanya: kung bakit isinubo niya sa tiyak na kamatayan ang maraming sundalo ng SAF?
Sa halip, mahaba ang satsat niya tungkol sa mga warrant of arrest, kung gaano kasama sina Marwan at Usman at gaano ring kasama ang mga katulad ng mag-amang Estrada na gustong ipawalang saysay ang peace negotiations sa MILF bago siyang umasta na buwayang lumuluha para sa mga pamilya ng mga sundalong napatay.” – JMS
Published on Jan 28, 2015
ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao
Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015
1. Ano po ang inyong masasabi sa pangkabuuan sa mga ipinahayag ni Pres. Noynoy Aquino hinggil sa naganap na engkwentro sa pagitan ng PNP-SAF at MILF?
JMS: Sa kanyang pahayag sa telebisyon, nagsinungaling si Aquino at umiilag sa katotohanan. Hindi marunong tumanggap ng command responsibility, kahit na may direct responsibility siya. Hindi niya hinarap ang pinakaimportanteng tanong sa kanya: kung bakit isinubo niya sa tiyak na kamatayan ang maraming sundalo ng SAF?
Sa halip, mahaba ang satsat niya tungkol sa mga warrant of arrest, kung gaano kasama sina Marwan at Usman at gaano ring kasama ang mga katulad ng mag-amang Estrada na gustong ipawalang saysay ang peace negotiations sa MILF bago siyang umasta na buwayang lumuluha para sa mga pamilya ng mga sundalong napatay.