“Hindi sinagot ni Aquino ang aking mga tanong na inilathala bago siya nagpahayag. Wala siyang sinabi tungkol sa prinsipal na pananagutan niya, kung bakit sinarili niya at nina Executive Secretary Ochoa at resigned PC chief Purisima ang command responsibility sa proyektong laban kay Marwan at Usman, kung bakit walang alam sa proyekto sina DILG secretary Roxas and PNP central command, kung bakit walang koordinasyon ang SAF sa mga army unit ng AFP at sa MILF alinsunod sa ceasefire agreement, kung bakit malaki ang pakialam ng mga opisyal at militar na Amerikano sa buong proyekto at operasyon at sunud-sunuran si Aquino sa mga bos niyang Kano.
Pahapyaw na sinabi ni Aquino na alam niya ang proyekto at operasyon. Pagkatapos, bumuhos na ang pagsisinungaling niya at pagbibintang niya sa iba. Pero may sapat na pagtanggap siya bagamat unwitting sa pinakamalaking pananagutan sa pagkapatay ng maraming sundalo ng SAF.” – JMS
Published on Jan 28, 2015
ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao
Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015
2. Naglabas po kayo ng mga tanong kaninang umaga para makatulong sa taumbayan sa kanilang pagsusuri sa naganap na engkwentro, marami po dito ay hindi nasagot ni Pnoy sa kanyang pahayag sa telebisyon. Ano po ang inyong masasabi dito?
JMS: Hindi sinagot ni Aquino ang aking mga tanong na inilathala bago siya nagpahayag.
Wala siyang sinabi tungkol sa prinsipal na pananagutan niya, kung bakit sinarili niya at nina Executive Secretary Ochoa at resigned PC chief Purisima ang command responsibility sa proyektong laban kay Marwan at Usman, kung bakit walang alam sa proyekto sina DILG secretary Roxas and PNP central command, kung bakit walang koordinasyon ang SAF sa mga army unit ng AFP at sa MILF alinsunod sa ceasefire agreement, kung bakit malaki ang pakialam ng mga opisyal at militar na Amerikano sa buong proyekto at operasyon at sunud-sunuran si Aquino sa mga bos niyang Kano.
Pahapyaw na sinabi ni Aquino na alam niya ang proyekto at operasyon. Pagkatapos, bumuhos na ang pagsisinungaling niya at pagbibintang niya sa iba. Pero may sapat na pagtanggap siya bagamat unwitting sa pinakamalaking pananagutan sa pagkapatay ng maraming sundalo ng SAF.