AUGUST 7, 2015
Panayam ng Kodao Productions sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP kay Prof. Jose Maria Sison, Tagapagnulo ng International League of People’s Struggle (ILPS) hinggil sa peace talks, presidential elections at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
JMS: Makabayang pagbati sa inyo, Prof. Sarah Raymundo. Maraming salamat sa paanyayang makipanayam sa inyo.
On Peace Talks
1. Ano po ang masasabi ninyo sa patuloy na paghahanap at paghuli sa mga NDFP Peace Consultants ng gubyernong Aquino, kagaya ng pag-aresto at pagditene kay Maria Concepcion Araneta-Bocala, isang JASIG holder mula sa Panay nitong August 1?
JMS: Walanghiya talaga ang rehimeng Aquino at mga alipuris nitong militar. Wala silang respeto sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees kung saan nakasaad na huwag manmanan, huwag arestuhin at huwag ibilanggo ang mga consultants ng NDFP. May document of identification si Kasamang Concepcion Araneta-Bocala bilang patunay na may safety and immunity guarantees. Dapat hindi siya minanmanan, hinuli at ibinilanggo.
2. Marami din pong nakapansin na walang sinabi si Pnoy sa kanyang huling SONA hinggil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP. Ano po ang komento ninyo dito?
JMS: Palatandaan ito na walang interes si Aquino sa peace negotiations sa pagitan ng GPH at NDFP. Wala namang interes si Aquino sa pagiging presidente kundi manilbihan sa kanyang mga bos na Kano at mga kapwa niyang malalaking komprador at asendero, lalong magpayaman sa pangungurakot bilang pork barrel king at manupil sa mga makayaban at progresibong pwersa.
3. Parang lumiliit na rin po ang pag-asa sa natitirang panahon ni Pnoy sa Malacañang para sa muling paghaharap ng GPH at NDFP, ano po ang epekto nito sa NDFP?
JMS: Totoong maliit na ang panahon para magharap ang mga negotiating panel ng GPH at NDFP. Sa tingin ng NDFP, mas mabuti pang hintayin ang susunod na presidente. Kung intelihente at hindi kasingbobo ni Aquino, makikipagnegotiate dahil lalala ang krisis ng sistemang mundial ng kapitalismo at ng lokal na naghaharing sistema at dahil lalong lalakas at lalawak pa ang mga pwersang rebolusyonaryo sa darating na taon.
4. Sa inyong pananaw ano rin po ang epekto ng pagpatay kay Kumander Parago o Leoncio Pitao sa buong rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng CPP?
JMS: Galit ang masang Pilipino na pinaslang ng mga pasista ang isang taong marangal at may sakit. Martir at bayani si Ka Parago. Inspirasyon siya ng buong rebolusyonaryong kilusan na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Lalong determinado na lumaban ang mga kadre at mandirigmang sinanay at pinamunuan niya sa nakaraang 37 taong pagkilos.