Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Mendiola

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Mendiola

0

“Ang masaker sa Mendiola at sa Hacienda Luisita ay mga karumal-dumal na krimen ng mga asenderong nasa kapangyarihan. Dapat itulak ang tunay na reporma sa lupa bilang daan sa pagkakamit ng hustisya sosyal, demokrasya at pag-unlad ng ekonomiya kaakibat ng pambansang industriyalisasyon.” JMS

Published on Jan 21, 2015

Panayam ng Kodao kay Prop. Jose Maria Sison
January 20, 2014

TANONG: Ano po ang inyong mensahe sa patuloy na paggunita ng mga magsasaka at iba pang sektor sa Mendiola masaker ng dekada 80? May kabuluhan pa ba ito sa panahon ngayon?

JMS: Makabuluhan ang patuloy na paggunita ng mga mga magsasaka at iba pang sektor ng sambayanang Pilipino sa Mendiola masaker ng 1987. Ang masaker sa Mendiola at sa Hacienda Luisita ay mga karumal-dumal na krimen ng mga asenderong nasa kapangyarihan. Dapat itulak ang tunay na reporma sa lupa bilang daan sa pagkakamit ng hustisya sosyal, demokrasya at pag-unlad ng ekonomiya kaakibat ng pambansang industriyalisasyon. Dapat walang humpay ang kilusang magbubukid at sambayanang Pilipino sa pagdemanda ng tunay na reporma sa lupa.