Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
Chief Political Consultant ng NDFP Negotiating Panel
Enero 12, 2015
1. Quoted kayo dati na okay lang si former AFP chief of staff Emmanuel Bautista na maging bagong chairman ng GPH negotiating panel dahil sa retired military officer na siya. Pero marami naman ang nagsasabi na kung siya ang i-appoint ni Aquino sa ganoong posisyon bale binabastos niya ang NDFP at buong kilusang rebolusyonaryo dahil nagmamalaki siya na siya ang utak o designer ng Oplan Bayanihan. Sa tingin niyo ba ay wala nang ibang mapipili ni Aquino na maging chairman ng kanyang panel. Siya na ba ang pinakamagaling o pinakaangkop kahit na mastermind siya ng Oplan Bayanihan?
JMS: Prerogative ni Aquino na piliin ang kahit sinumang sibilyan na maging chairman ng GPH negotiating panel. Technically, si General Bautista ay civilian dahil retired na. Pero totoo rin na marami ang nagsasabi na insulto sa NDFP at buong kilusang rebolusyonaryo kung siya ang gagawin ni Aquino na panel chairman niya sa punto na self-proclaimed na utak siya ng Oplan Bayanihan. Hindi baleng retired military officer siya kung katulad siya ni former General Fidel Ramos na marunong sa peace negotiations.
Pero umaabot din sa NDFP ang mga ulat na garapal na militar ang mentalidad niya at wala siyang gusto kundi ipataw daw niya ang pagsurender ng NPA dahil sa natatalo na raw ito at kung hindi payag ang NPA tuloy pa rin ang balasik ng kanyang Oplan Bayanihan. Palpak naman itong Oplan Bayanihan, lalong lumakas ang NPA. Sa tingin ko, kung seryoso si Aquino sa peace negotiations, makakapili siya ng mas angkop at mas magaling na chairman ng kanyang panel. Baka naman hindi interesado si Aquino sa pag-usad ng peace negotiations.