Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks Preparations (Part 2)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks Preparations (Part 2)

0

Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
Chief Political Consultant ng NDFP Negotiating Panel
Enero 12, 2015

2. Maraming naguguluhan sa pagpapatakbo ni Aquino sa peace negototations sa NDFP. Si Aquino ba mismo ang dahilan ng gulo o si Deles? Ang balitang nasagap namin ay lusaw na ang GPH negotiating dahil sa pagresign ni Alex Padilla bilang chairman at may pag-aatubili pa si Aquino tungkol sa appointment ni General Bautista bilang Chairman o member na lang ng panel? Sa kabila ng kaguluhan sa panig ni Aquino, makakaasa kaya ang mga political prisoner na ma-release kaugnay ng bisita ng Papa at mga panawagan ng mga religious at human rights organizations?

JMS: Sa tingin ko, parehong magulo si Aquino at Deles. Pero mas magulo si Deles. Nakita na ng NDFP ang panggugulo ni Deles magmula pa noong 2004 sa panahon ni Arroyo. Ika nga ng ilang observer, magulo ang utak ni Aquino pero si Deles sadyang nanggugulo. Ang balita ng NDFP hindi nabubuo agad ang GPH negotiating panel dahil gusto ni Deles na isaksak sa panel ang mga katulad niyang rabid anti-communist at mga uto-uto niya.

Kabado rin siya kay General Bautista dahil baka hindi niya kayang utus-utusan kahit magkahawig sila sa pagiging pusakal na anti-komunista. Tungkol naman sa pagrelease ng mga political prisoners, may mga umaasa na baka magrelease ang marami si Aquino dahil sa posibleng paggalang niya sa Papa at sa mga religious at human rights organizations na nanawagan ng pag release sa mga political prisoner.

Pero sa karanasan ng NDFP, matigas, walang puso at walang awa si Aquino sa mga political prisoner. Wala siyang respeto sa JASIG na nagbabawal sa pagkulong at pagpatay sa mga NDFP consultants. Wala rin siyang respeto sa CARHRIHL na nagbabawal sa pagkulong sa mga political prisoner dahil sa mga sabay-sabay na charges of rebellion at common crimes o kaya common crimes sa halip na rebellion.