Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks Preparations (Part 3)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks Preparations (Part 3)

0

Ano na po ang ginagawang paghahanda ng NDFP kung sakaling matuloy ang paghaharap ng dalawang panig? Wala rin po bang nabago sa inyong hanay bilang mga negosyador sa usapang pangkapayapaan?

JMS Sagot: Nananatili ang komposisyon ng NDFP negotiating panel. Pareho ang chairman at mga miembro. Estable at tuluy-tuloy ang karanasan at kaalaman. At tungkol sa usapang pangkapayapaan, desidido na ipatupad ang kanyang bahagi sa peace negotiations tungo sa makatarungan at matibay na kapayapaan.

Marami ang ginagawa ng NDFP negotiating panel para paghandaan ang pormal na pag-uusap sa kabilang panel kung matutuloy ito. Aktibo sa mga consultations ng mga special representatives ng dalawang panig para ihanda ang agenda, saklaw at direksyon ng pag-uusap. Nagpupulong ang NDFP panel, mga working team at mga consultants para patibayin nila ang prinsipyadong posisyon ng NDFP at inaaral din nila ang pleksibilidad para maisagawa ang mga comprehensive agreement, tulad ng nangyari sa pagsasagawa ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

Inaaral din nila kung paano pangingibabawan ang obsesyon o kagustuhan ng kabila na hanggang surrender ng mga rebolusyonaryo at tigil-putukan o pasipikasyon lang ang mangyayari. Para sa interes at kapakanan ng sambayanang Pilipino, gusto ng NDFP na magkaroon ng tunay na pambansang kalayaan, demokrasya, reporma sa lupa, industryalisasyong nasyonal at hustisya sosyal sa ating bayan.