Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on POW and peace

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on POW and peace

0

“Napakahalaga ang pagpapakita ng NDFP-Mindanao ang humanitarian spirit at kagandahang loob ng kilusang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng pagpapalaya ng mga prisoners of war. Ipinahayag ng NDFP-Mindanao na ang pagpapalaya ng mga POW ay goodwill measure para sa resumption ng peace negotiations. Pero hanggang ngayon walang maliwanag kung handa na ba ang rehimeng Aquino para sa usapang pangkapayapaan.

Syempre, umaasa ang NDFP negotiating panel at buong NDFP na mapalaya ang mga NDFP consultant alinsunod sa JASIG at iba pang political prisoner alinsunod sa CARHRIHL. Hinihiling ito ng mga religious at human rights organization at ng sambayanang Pilipino. Dumating at umalis na ang Papa, wala namang pinalaya na mga political prisoners. Maraming disappointed. Dapat palayain ang mga NDFP consultants at malaking bilang ng mga political prisoners bago magresume ng peace negotiations.” — JMS

Published on Jan 21, 2015

ITANONG MO KAY PROP
Panayam ng Kodao kay Prop. Jose Maria Sison
January 20, 2015

1. Ano po ang kahalagahan sa usapang pangkapayapaan ng ginagawang pagpapalaya ng NDFP-Mindanao sa mga POW sa kanilang rehiyon?

JMS: Napakahalaga ang pagpapakita ng NDFP-Mindanao ang humanitarian spirit at kagandahang loob ng kilusang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng pagpapalaya ng mga prisoners of war. Ipinahayag ng NDFP-Mindanao na ang pagpapalaya ng mga POW ay goodwill measure para sa resumption ng peace negotiations. Pero hanggang ngayon walang maliwanag kung handa na ba ang rehimeng Aquino para sa usapang pangkapayapaan.

2. Umaasa rin po ba ang NDFP Negotiationg Panel na magpapalaya din ng mga political detainees ang GPH bago ang pag-uusap?

JMS: Syempre, umaasa ang NDFP negotiating panel at buong NDFP na mapalaya ang mga NDFP consultant alinsunod sa JASIG at iba pang political prisoner alinsunod sa CARHRIHL. Hinihiling ito ng mga religious at human rights organization at ng sambayanang Pilipino. Dumating at umalis na ang Papa, wala namang pinalaya na mga political prisoners. Maraming disappointed. Dapat palayain ang mga NDFP consultants at malaking bilang ng mga political prisoners bago magresume ng peace negotiations.