Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on the senate hearing on the Mamasapano encounter (Part 3)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on the senate hearing on the Mamasapano encounter (Part 3)

0

Published on Feb 12, 2015

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa naganap na senate hearing tungkol sa Mamasapano encounter.

February 10, 2015

3. Mararamdaman ang galit at biased na kaagad na pagtingin ni
Senator Alan Peter Cayetano laban sa MILF at BIFF at gusto pa niyang pag-awayin ang dalawang grupo para patunayan ang sinseridad sa usapang pangkapayapaan ng MILF sa pamahalaan. Sinabi rin niyang kinakanlong ng mga grupong ito si Marwan. Ano po ang inyong masasabi dito?

JMS: Malamang na sumasakay si Cayetano sa Christian chauvinism o sa mga ready-made bias laban sa mga Muslim. Pero kailangang magpaliwanag ang MILF at BIFF kung si Marwan
ay kinukupkop nila. Sa personal na tingin ko, mahirap na sabihin na naroon si Marwan sa Mamasapano dahil walang corpus delicti
o bangkay ni Marwan ngayon. At malamang na nagsisinungaling ang FBI tungkol sa DNA analysis para lamang tulungan nito ang
propaganda ni Aquino.

Tanggap naman ng FBI na wala silang sample ng DNA ni Marwan mismo kundi ng mga supposed relatives niya. Sabi ng MNLF na nasa Lanao si Marwan at wala siya sa baryo ng Mamasapano na sinalakay ng SAF. Siyanga pala, bale sina Aquino, Purisima at SAF ang sumalakay sa baryo ng Mamasapano. Sabi pa ni Napeñas na SAF ang nagmasaker ng 250 katao sa Mamasapano. Paanong may kasalanan ang MILF. Hindi pwede.