JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison
Utrecht, The Netherlands – Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27. Ngayon, kasalukuyang ginagawa na ang cremation.
Sinimulan ito sa pagtugtog ng orihinal na awitin ng pagkilala kay Sison. Ang unang pananalita ay binigay ni Luis Jalandoni, matalik na kaibigan ni Sison at senior political advisor ng National Democratic Front of the Philippines. Sinundan ito ng pananalita mula Kay Coni Ledesma, kaibigan at miyembro ng NDFP peace negotiating panel.
Nagsalita rin ang kinatawan ng Norwegian government na tumulong sa peace negotiation sa pagitan ng NDFP at Philippine government.
Dumalo at nagsalita ang mga kinatawan ng iba ibang communist organizations gaya ng German Marxist-Leninist Party (MLPD) at Belgium Workers Party.
Nagbigay din ng pananalita ang isa sa mga anak ni Sison. Aniya, mayaman sa oras ang kanyang ama kapag bumibisita siya sa Utrecht.
“He was generous with his time whenever I visited ..Whenever he saw my FB photos of travel, he always asked me to drop by Netherlands… We decided to make a trip in March 2023…This is one lesson in my life that I didn’t visit sooner. I’m grateful with the memories we enjoyed together. His sharp memory always amazes me and his ability to think outside the box is remarkable,” ayon sa anak Sison.
Para sa maybahay ni Sison na si Julie de Lima, mami-miss niya ang kabiyak ng napakaraming dekada.
“The pain squeezes my heart everytime I breath…it will be only eased until I join you…You left so many notes for so many book projects we planned…Love bound us on the day that we knew each other and…I shall always love you,” malungkot na paalam ni De Lima sa kabiyak. Via Jofelle Tesorio, ABS-CBN/TFC News, Utrecht, The Netherlands
Photos courtesy of : Nwel Saturay/NDFP-Utrecht