Home Writings bibliography Pagbati at Pasasalamat sa Okasyon ng “Of Bladed Poems and Enchanted Forests”

Pagbati at Pasasalamat sa Okasyon ng “Of Bladed Poems and Enchanted Forests”

0
Pagbati at Pasasalamat sa Okasyon ng “Of Bladed Poems and Enchanted Forests”

Ni Jose Maria Sison
10 Hunyo 2004

Mga mahal na kaibigan at mga natatanging panauhin,

Tauspuso akong bumabati sa inyo ng magandang gabi. Malaki ang aking kasiyahan sa inyong pagdalo sa pagtitipong ito.

Pagkakataon ko ito ngayong magpasalamat sa lahat ng nagtatanggol sa aking mga demokratikong karapatan at sa lahat ng kumilos at tumulong sa paghahanda at pagtatanghal ng pagtitipong ito.

Maraming salamat sa Committee DEFEND International, DEFEND Philippines, BAYAN at FQS Movement, sa pangkalahatang direktor ng mga kultural na pagtatanghal na si Ka Boni Ilagan, sa mga grupo at artistang kultural at sa lahat ng patron. Natutuwa akong pinagsanib ninyo sa okasyong ito ang pagtatanggol sa aking mga karapatan at paglalahad ng aking mga pagsisikap sa pagtula at pag-awit.

Halos dalawang taon na akong nananatili sa listahan ng mga tinaguriang terorista ng gobyerno ng US at iba pang mga kasabwat na gobyerno nito. Niyurakan at nilabag ang aking mga demokratikong karapatan at pinatawan ako ng mga pahirap, pagkait ng mga benepisyo, paninira at pagbabanta.

Subalit bigo ang maitim na tangka ng US at mga papet nito na takutin ang National Democratic Front of the Philippines at itulak sa pagsuko ang mga pwersang rebolusyonaryo. Manindigan tayo nang matatag para sa karapatan ng mamamayang Pilipino na ipaglaban ang pambansang kalayaan at demokrasya.

Maipagpapatuloy ang negosasyon para sa isang makatarungang kapayapaan kung masusunod ang balangkas na itinakda ng The Hague Joint Declaratan, ang prinsipyo ng pambansang soberaniya sa naturang deklarasyon, ang mga garantiya na nasa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees at ang Hernandez political offense doctrine na itinataguyod ng GRP-NDFP Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

Mainam na may kasunduan ang GRP at NDFP sa Oslo Joint Statement I noong 14 February 2004 at II noong 3 April 2004 na hindi dapat mang-agaw ng hurisdiksyon ang US at iba pang gobyernong dayuhan sa mga pangyayari at mga entidad sa ganoong pangyayari sa loob ng Pilipinas. May kasunduan din ang dalawang panig na huwag hayaang makialam sa negosasyon ng GRP at NDFP ang alinmang gobyernong dayuhan para labagin ang mga kasunduan.

Dapat gawing pagkakataon ang negosasyon para itaguyod, ipagtanggol at isulong ang mga pambansa at demokratikong karapatan at interes ng sambayanang Pilipino.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang lahat ng makabayan at progresibong pwersa!
Mabuhay kayong lahat sa pagtitipong ito!