Musika ni Resty Ella | Inawit ni Empiel Palma | Areglo ni Karl
Song Lyrics
Pulang saludo Ka Joma
Bayani ng Pilipino
Tulad ni Andres Bonifacio
at Crisanto Evangelista
Salamat sa pag-aalay ng buhay,
Talino, tapang, at tatag,
Sa pagsulong ng rebolusyon
ng proletaryado at bayan
Chorus:
Pulang saludo Ka Joma
Sa dakila mong gawa
Pulang saludo Ka Joma
Mabuhay ka, mabuhay ka!
Pulang saludo Ka Joma
Sa pabrika, bukid, minahan,
Eskwela, tanggapa’t san man,
Mga akda mo ay liwanag
Sa pakikibaka ay sandata
Para sa bagong demokrasya
Hanggang sosyalismo’y maabot
At mapaunlad ng lubos
(Chorus)
Refrain:
Magkaisa’t itaas ang kamao
Bandilang pula’y iwagayway
Ang pakikibaka ng sambayanan
Isulong at ipagtagumpay
Pulang saludo Ka Joma
Mandirigmang minamahal
Inikot mo mga kapatagan
Kabundukan at kagubatan
Tinawid mga ilog at dagat
Upang kilusa’y mapalawak
Palakasin ang digmang bayan
At pang-aapi ay labanan
(Chorus)
Anuman ang hirap at panganib
Kumilos ka laban sa kaaway
Labis man ang init ng araw
Labis man ang lakas ng unos
Kasama ka sa hukbong bayan,
Sa pagsasanay, pagmartsa’t pagkampo,
Pagkubkob at pagsalakay
Pulang saludo Ka Joma *
(Chorus)
(Refrain)
Pulang saludo Ka Joma
Matatag ang paninindigan
Sa peligro ng kamatayan
Sa pagdanas ng pahirap
Sa napakahabang distyero
Pang-aapi sa ibang bansa
Maningning ng mga halimbawa
Sa bayan at sandaigdigan
(Chorus)
Salamat sa iyong paglaban
At pag-ambag sa pagsulong
Ng ating rebolusyon
Sa bayan at sandaigdigan
Pulang saludo Ka Joma
Mayaman ang iyong pamana
Sa susunod na salinlahi
Ka Joma mabuhay kang lagi
Finale:
Pulang saludo Ka Joma
Sa dakila mong gawa
Pulang saludo Ka Joma
Mabuhay ka, mabuhay ka!