BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 


Pagbati sa Anakpawis Political Party

Ni Prof. Jose Maria Sison
Chairman, International Network for Philippine Studies
General Consultant, International League of Peoples’ Struggle

Ika-8 Enero 2004

Buong galak kong ipinapaabot ang makabayang pagbati sa pamunuan at kasapian ng Anakpawis Political Party sa okasyon ng Unang Pambansang Kombensiyon nito.

Karapatdapat na sa legal na larangan, kabilang ang electoral na pakikibaka, may isang pambansang partidong kumakatawan sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at iba pang maralita sa lunsod at nayon at nagtataguyod at nagsusulong sa kanilang mga karapatan at kapakanan.

May liwanag kayo mula sa pambansa-demokratikong programa at may suporta kayo mula sa mga organisasyon ng masang anakpawis. May tiwala akong mapapatatag ninyo ang partidong anakpawis sa paghahalal ninyo ng mga bagong pambansang opisyales at sa pagtitiyak ninyo ng mga nombrado para sa halalang party list.

Hangad kong maging matagumpay kayo sa kasalukuyang kombensiyon at sa darating na kampanya, alinsunod sa panawagang,"Sulong Anakpawis! Sa lakas ng masa, kamtin ang tagumpay!

Makatitiyak kayong manalo kapag sumasalalay kayo sa masa ng anakpawis na siyang mayorya ng mga botante at itinataguyod, ipinagtatanggol at isinusulong ninyo ang mga karapatan at kapakanan nila laban sa mga imperyalista at lokal na mapagsamantalang uri ng malalaking komprador at asendero.

Paigting nang paigting ang pang-aapi at pagsasamantala sa masang anakpawis, dahil palubha nang palubha ang krisis ng pandaigdigang sistema ng kapitalismo at lokal na naghaharing sistema. Sukdulan ang pahirap sa masang anakpawis, subalit ito rin ang magtutulak sa kanila para lumaban at maghanap ng kalutasan sa mga karaingan nila at mga paraang mabago ang karumaldumal na kalagayan.

Kailangan ang bagong demokratikong rebolusyon. Sa balangkas ng rebolusyong ito ay kailangan din ang mga legal na anyo ng pakikibaka para tumulong sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa sambayanang Pilipino, laluna ang mga anakpawis. Sikaping maghabol ng mga reporma para sa kabutihan nila bagamat kung mananatili pa rin ang sistema ng pang-aapi at pagsasamantaala mananatili rin ang batayan ang kilusang rebolusyonaryo.

Sa pagkampanya, mainam kung umasa kayo una sa lahat sa sariling lakas ng inyong partido at ng organisadong masang anakpawis. Subalit, puede kayong gumamit ng mga taktika ng mutwal na suporta at ng nagkakaisang hanay para mapalaki ang bilang ng aktwal na boboto sa inyong partido. Dahil may sarili kayong lakas, puede kayong lumapit sa ibang pwersa at kandidato (progresibo o reaksiyonaryo sa iba’t ibang grado) para mag-alok ng pakikipagtulungan. Dahil din sa lakas ninyo, tiyak na lalapitan din kayo.

Sa mismong mga lugar na may lakas kayo at lalo doon sa wala kayong lakas o mahina kayo, kailangan ninyo ang mga kampanyador at materyales. Batay sa umiiral na lakas ninyo, marami kayong magagawa para tugunan ang mga pangangailangan. Pero mas marami pa ang magagawa ninyo kapag naging mabisa ang mga taktika ninyo sa mutual na suporta at pakikipagkaisang hanay.

Ang halalan sa loob ng naghaharing sistema ay nangyayari minsan bawat tatlong taon lamang at ang posibleng mabuting bunga nito para sa Anakpawis ay maliit kung ihambing sa malalaking pangangailangan ng masang anakpawis, laluna kung tukuyin natin ang bunga na makakamit lamang ng bagong demokratikong rebolusyon. Gayunman, dapat magamit ang halalan para palawakin at palakasin ang pambansa demokratikong kilusan ng sambayanang Pilipino.###




return to top

back

 

what's new