Ang Higanteng Roble
(Parangal kay Kasamang Mao Zedong)
Ni Jose Maria Sison
Sa tindi ng taglamig
Tuwid ang tindig ng higanteng roble
Sandantaong gulang,
Tore ng maraming panahon.
Mga langaw ng tag-araw
Sa roble'y di makapanaig
At sa walang awang lamig.
Kung sino ang pumanaw na
Subalit buhay pa ang diwa
At di kayang pawiin
Ng sarisaring manggagaway
Minsa'y linililok
Sa sanga ng roble
Kawangki ng mga katunggali
Sa ritwal para angkinin
Ang mahika ng pangalan.
May mga halik ng pagkanulo
Sa kasulatan
Umuugong ang paglapastangan
At mga alamat ng paglait
Laban sa dakilang alaala.
Kapag nababagabag ang mga kaaway
Ng kanyang diwa't gawa,
Mortal ang kanilang pagkatakot
Sa buhay na lakas na pinasigla,
Para sa higit na malalaking labanan,
Habang sa abot-tanaw
Nagtutunggali ang liwanag at dilim
At ang kabutihan at kasamaan
Ay natutulak maglahad.
26 Disyembre 1993