BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present |
|
Kalatas ng Pakikiisa sa PIGLAS Ni Jose Maria Sison 4 Nobyembre 2001 Tanggapin ninyo ang aking malugod na pakikiisa sa mga organisasyon at kasapi ng PIGLAS (Pinag-isang Lakas ng mga Magbubukid sa Quezon) sa okasyon ng inyong Ika-2 Kongreso sa Mulanay Quezon. Mahalaga ang papel ng inyong pederasyon sa pagpukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga mgbubukid sa apat na distrito ng Quezon para isulong ang pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa alinsunod sa pangkalahatang linya ng pambansang kasarinlan at demokrasya. Umaasa akong lalong liliwanagan ng inyong kongreso ang landas ng pagsulong ng inyong organisasyon para kamtin ang mas malalaking tagumpay para sa kapakanan ng mga magbubukid. Lumalaban kayo sa makitid na interes ng malalaking asendero na gumagamit sa kapangyarihan ng estado para isulong ang kanilang interes at supilin ang kilusan ng mga magbubukid. Kaisa ninyo ako sa pagtataguyod sa mga demokratikong karapatan. Humahanga ako sa inyong tumpak na linya, katatagan at militansya para mapangibabawan ang mga balakid at peligro. Ipagpatuloy ang tamang pagkilos at maging huwaran ng mga magbubukid sa buong kapuluan. Mabuhay ang PIGLAS! Mabuhay ang uring magsasaka! Isulong ang bagong demokratikong kilusan ng sambayanang Pilipino! |
|