BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present |
|
Kalatas ng Pakikiisa sa mga Propagandista't Manunulat ng Bayan Ni Jose Maria Sison Buong kagalakang ipinaabot ko ang pakikiisa sa mga manunulat na kalahok sa masinsinang kurso sa gawaing propaganda. May tiwala akong mapatataas ang antas ng kahusayan ninyo sa gawaing propaganda, pakikitungo sa midya at pagpapalaganap ng pambansa-demokratikong paninindigan hinggil sa mga mahalagang isyu ng ating bayan. Kanaisnais at tumpak na ipagpatuloy ninyo ang Ikalawang Kilusang Propaganda, alamin ang kalagayan ng midya sa Pilipinas at itakda ang mga tungkulin at mga paraan sa propaganda at pakikibakang masa. Natitiyak kong marami ang matutuhan ng mga propagandista sa kurso hinggil sa paggawa ng mga press release, pag-oorganisa ng mga press conference, paglalatag ng malawak na lambat ng ugnay sa midya at pagsusulat ng polyeto at iba pang propagandang pangmasa. Tulad ng mga organisador ng kurso, umaasa ako na lalaki ang agos ng propagandang pambansang-demokratiko na mataas ang kalidad bunga ng inyong kurso. Kinakailangan ang pagpapaigting ng propaganda para mahimok, maorganisa at mapakilos ang malawak na masa sa harap ng umiigting na pagsasamantala at pang-aapi, laluna sa ganitong kalagayan ng lumulubhang krisis ng naghaharing sistema at pandaigdigang sistemang kapitalista. # |
|