POETRY

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 

 

Minsa’y Sabik ang Puso sa Mangga
By Jose Maria Sison

Minsa’y sabik ang puso
Sa mangga kung saan ang mansanas
Sa orkidya kung saan ang tulipa
Sa init kung saan maginaw
Sa mabundok na kapuluan
Kung saan ang patag.

Malayo sa tahanan
At daloy ng kaibiga”t kaanak
Ilang at ngayo”y gamay
Na mga bagay at lugar nang-uudyok
Ng kirot sa patid na mga ugnay,
Sa mga kabiguandahil sa antala’t kaligta.

Direk dialing, fax mashin
Komputer disk at video kaset
At mga bisitang lulan ng dyet
Di-kayang paglapitin
Ang inensayong mga pamalas
At di-inensayong buhay sa tahanan.

May mga kaliga at kaibigan
Na nakakaaya sa dinayong lupa
Subalit may sarili silang mga gawi,
Sariling mga buhay
Na lampas sa pagkaunawa
At pakialam ng dayuhan.

Yaong mga nais magkait sa destierro
Ng tahanan, kaibiga’t kaanak,
Ng buhay, katawan at kalayaan
Ang pinakamaingay na mangutya sa kanya
Na lulutanglutang daw sa dagat,
Hugot mula sa kanyang lupa.

Patuloy ang may-layuning destierro
Sa paglaban para sa inangbayan
Sa mga nagpalayas sa kanya,
Ang mga mapagsamanatala sa bayan,
At tiyak niyang siya’y nananahanan
Sa sariling bayan at sa daigdigan.

March 30, 1994







what's new