|
PARANGAL KAY ATTY. ROMEO T. CAPULONG,
DAKILANG TAGAPAGTANGGOL NG BAYAN
Sa selebrasyon ng kanyang ika-73 kaarawan
Ni Prop. Jose Maria Sison
Chairperson, International League of Peoples' Struggle
Chief Political Consultant,
National Democratic Front of the Philippines
29 Pebrero 2008
Nagagalak akong lumahok sa selebrasyon ng ika-73 kaarawan ni Atty. Romeo
T. Capulong. Pagkakataon ito upang muli nating ipagbunyi ang kanyang
maningning narekord bilang tagapagtanggol ng bayan at upang parangalan
at pasalamatan siya sa kanyang pantas, masugid at matagumpay na pagtatanggol
ng mga karaparatang tao, laluna ng mga pambansa at demokratikong karapatan
ng sambayanang Pilipino.
Ilang dekada na ang pagsasamahan namin ni Ka Romy sa pakikibaka. Sa kanyang
ika-70 kaarawan, sinikap kong gumawa ng kumpre-hensibong parangal sa kanya
mula sa aking punto de bista at tuwirang pagkakilala sa kanyang kaisipan at
gawa. Sa pagtatanggol niya sa akin sa maraming kaso, matalas at masigasig
niyang pinanghawakan ang makabayan at demokratikong diwa at linya.
Matagumpay ang pagtatanggol niya sa akin at sa halos 10,000 kliyente sa
kaso laban kay Marcos sa US tungkol sa paglabag ng karapatang tao sa ilalim
ng pasistang diktadura. Matagumpay din niya akong ipinagtanggol sa paratang
na subersyon magmula 1988 hanggang 1992 sa husgado ng Pasig at sa paratang
na multiple murder sa harap ng Senado at prosecution office ng Manila sa panahon
ng 1989 hang-gang 1994 kaugnay ng pagbomba sa Plaza Miranda noong 1971.
Batay sa mga paratang na binanggit ko at maraming iba pang paratang na gawa-gawa
ng mga propagandista ng militar at hang-gang peryodiko lamang, tinangkang biguin
nang ganap ng tatlong gubyerno--US, Olanda at Pilipinas--ang aking aplikasyon para
sa political asylum mula 1988. Subalit kumilos si Ka Romy at ang PILC para pabulaanan
ang mga palsong paratang at tulungan ang aking mga abogadong Olandes. Kinilala
ako ng mga husgado ng Olanda bilang political refugee sa ilalim ng Refugee Convention
at idineklara rin nila na ako ay nasa proteksyon ng Article 3 ng European Convention
on Human Rights.
Matagal kaming nagkasama ni Ka Romy sa trabaho kaugnay ng eksplorasyon at
pagsasagawa ng peace negotiations sa pagitan ng National Democratic Front of
the Philippines (NDFP) at ng Government of the Republic of the Philippines (GRP).
Siya ang General Counsel ng NDFP at ako naman ang Chief Political Consultant.
Susi at mapagpasya ang kanyang papel sa larangang ito. Isang anyo ng ligal na
pakikibaka ang peace negotiations. Dahil sa kanyang mga payo, mabisang
nakikipagnegosasyon ang NDFP sa GRP.
Napagkakasundo namin ni Ka Romy ang aspetong ligal at pampulitika sa pagta-taguyod
ng NDFP Negotiating Panel sa rebolusyonaryong integridad at mga prinsipyo ng NDFP,
at pleksibleng pagda-dala ng patakaran sa larangan ng peace negotiations.
Labindalawang mahahalagang kasunduan ang iniluwal ng negosasyon. Laging
pursigido ang NDFP sa paglalahad ng mga saligang problema ng bayan at sa paghahanap
ng mga solusyon sa anyo ng reporma. Subalit laging nagtatayo ng mga balakid ang
GRP sa pagpapatuloy ng negosasyon.
Magmula 1999 hanggang 2002 ay sa pama-maraang propaganda lamang ang mga
paratang ng mga militar at pulis laban sa akin. Wala silang pormal na reklamong
isinampa sa antas ng prosecution o husgado. Gayunman, dahil sa paghiling ng rehimeng
Arroyo, inilista ako ng US bilang "terorista" noong Agosto 2002. Sumunod ang gubyerno
ng Olanda, Council of the European Union at iba pa sa paglista sa akin bilang "terorista".
Pinatawan ng freeze order ang kakarampot na pera sa aking bank account , pinagbawalan
akong magtrabaho, tinanggalan ako ng mga social benefits at pinatawan ng hold order
sa paglabas ng Olanda.
Muling tumulong sa akin si Ka Romy at ang PILC sa pagtatanggol laban sa paratang na
terorismo. Sa pagtitipon ng mga katibayan at paghubog ng mga argumento, malaki
ang naitulong ni Ka Romy sa mga abogado kong Olandes sa mga kaso ko sa loob ng
Olanda gayundin sa iba pang abogado kong Europeo sa aking paglaban sa terrorist
blacklisting ng Council of European Union sa harap ng European Court of Justice.
Naipanalo namin ang kasong Europeo noong Hulyo 2007. Subalit gumawa muli ng
desisyon ang naturang Council para ilagay ako sa terrorist blacklist bago lumabas ang
naturang desisyon ng husgado. Nasa official panel of lawyers ko na si Ka Romy mula
nang matapos ang kanyang term bilang ad litem judge ng United Nations.
Magmula 2002 ay madalas nang mag-imbento ang militar ng mga paratang laban sa
akin. Si Ka Romy at PILC ang kumilos para pabulaanan ang mga paratang at ipabatid
sa department of justice na wala ako sa jurisdiction ng reaksyunaryong gubyerno .
Wala ring extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Olanda. Gayunman, gumawa
ng dalawang kabalbalan ang rehimeng Arroyo noong 2006. Isa, hiniling nito sa
gubyerno ng Olanda na ako ay imbestigahan at ikulong tungkol sa pagpatay sa dalawang
ahenteng militar na sina Kintanar at Tabara. Ikalawa, nag-imbento ang rehimeng Arroyo
ng paratang na rebelyon laban sa akin at 50 iba pa, kasama ang Batasan 6 at mga
anti-Arroyo na opisyal-militar.
Ipinanalo nina Ka Romy at PILC sa Korte Suprema ang kaso laban sa paratang na
rebelyon noong Hunyo 2, 2007. Naging pinal ito noong Hulyo 2, 2007. Sa desisyong
ito, ibinasura ng Korte Suprema ang paratang na rebelyon at mga umano'y ebidensyang
pinagtagpi-tagpi, kasama na rito ang mga huwad na ebidensya laban sa akin kaugnay
ng pagpatay sa naturang dalawang ahente ng militar. Hindi ipinaalam ng rehimeng
Arroyo sa gubyernong Olandes na pinawalang saysay na ang paratang sa akin tungkol
sa mga insidenteng Kintanar at Tabara.
Kailangan ko pa ring ilahad ang sabwatan ng mga gubyerno ng US, Olanda at Pilipinas
sa tangkang ipitin ako sa paratang na pag-utos o pag-udyok sa pagpatay sa dalawang
ahente ng militar. Mga reaksyunaryong militar sa Pilipinas ang nagbigay ng mga huwad
na saksi laban sa akin sa mga Olandes na police investigator. Kinunan ng testimonya ang
mga palsong saksi sa embahada ng US, sa embahada ng Olanda at sa Clark Air Base.
Batay sa mga pekeng testimonyang ito ako ay inaresto at binartolina noong 28 Agosto
2007. At nang ako ay arestuhin at ilagay sa bartolina, inilabas sa mass media ang sabay
na labis na pagkakatuwa nina Arroyo at mga embahador ng US at Olanda sa Pilipinas.
Nang ako ay unang iharap sa examining judge inihapag agad namin ng abogado kong
Olandes ang desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas na ipinanalo nina Ka Romy at PILC
laban sa paratang na rebelyon. Sa sumunod na desisyon ng District Court ng The
Hague, sinabi ng husgado na walang sapat na ebidensya laban sa akin. At nang umapela
ang prosecution, nagpasya ang Court of Appeal na walang prima facie evidence laban
sa akin, at sinabing may political context sa Pilipinas kung saan hindi ko ganap na
magagamit ang karapatang mag-cross examine at di mapagkakatiwalaan ang testimonya
ng mga saksi laban sa akin.
Magmula pa Setyembre 13, 2007 ay nakalabas na ako sa piitan at parang malayang-malaya
na ako. Pero patuloy akong inuusig ng tatlong gobyerno. Paksa ito ng librong nais naming
ilabas nina Ka Romy at PILC. Nakaharap pa ako sa mga panganib na ligal, pampulitika at iba
pa. Kailangang-kailangan ko pa ang matalino at magiting na pagta-tanggol nina Ka Romy
at mga kasama nyang abogado sa PILC. Walang tigil ang aking pagkakautang na loob
at pagpapa-salamat sa kanila.
Patuloy na nasa pangunahing hanay ng pakikibaka si Ka Romy. Tampok siyang tagapagtanggol
ng sambayanan, laluna ng masang inaapi at pinagsasamantalahan. Marami pa siyang susuungang
labanan hindi lamang para sa aking mga karapatan at para sa kanyang maraming ibang kliyente
kundi para sa sambayanang Pilipino na ngayo'y hinahagupit ng sukdulang pagsasamantala at
pang-aapi at nangangailangan ng lahat ng pamamaraan para mapalaya ang sarili at makaahon
sa kahirapan. ###
|
|