BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 

MENSAHE SA BENEFIT DINNER
PARA KAY KA RANDY ECHANIS


Ni Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
Chairman, International League of Peoples' Struggle
Marso 1, 2008

Ikinalulugod kong lumahok sa pagtitipon ngayong gabi upang ipagtanggol at parangalan si Ka Randy Echanis at maglikom ng pondo sa pamamagitan ng "Tula at Awit sa Paglaya ni Ka Randy."

Matagal ko nang kakilala si Ka Randy. Nag-umpisa siyang lider ng mga kabataang estudyante sa balangkas ng Kabataang Makabayan. Tumungo sa kanayunan sa panahon ng pasistang diktadura at naging kadre ng uring magsasaka. Sa anumang papel na ginampanan niya, tumatahak siya sa linya ng pambansa demokratikong rebolusyon sa pamumuno ng uring manggagawa.

Matapos na bumagsak ang pasistang rehimeng Marcos, napawalang saysay ang mga paratang sa kanya at lumaya siya. Pumasok sa larangan ng legal na pakikibaka. Naging aktibo siya sa SELDA at naging lider siya ng Partido ng Bayan. Pinagtuunan niya ang pagkilos sa hanay ng mga magsasaka at naging opisyal ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Kasama siya sa mga delegasyon ng KMP sa Una at Ikalawang Asamblea ng International League of Peoples' Struggle. Naging malaki ang ambag niya sa mga talakayan at paggawa ng mga resolusyon tungkol sa mga magsasaka sa ibat ibang bansa, laluna sa umano'y Ikatlong Daigdig.

Kasama si Ka Randy sa peace negotiations sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines. Siya ay kagawad ng Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms (RWCSER) at malaki ang naiambag niya sa paggawa ng NDFP Draft ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms, laluna na sa usapin ng reporma sa lupa, pambansang industrialisasyon at benepisyo sosyal ng mga anakpawis.

Kumikilos siya nang legal bilang opisyal ng KMP at bilang kagawad ng RWC ng Social and Economic Reforms. Kaugnay nito, paulit-ulit siyang bumiyahe sa labas ng bansa tungong Norway, Netherlands at iba pang bansa. Holder siya ng NDFP document of identification sa GRP-NDFP peace negotiations. Mayroon siyang safety and immunity guarantees sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Malaking kasinungalingan ang paratang ng militar na may pakialam siya sa mga pamamaslang na ginawa ng reaksyonaryong militar sa Leyte noong 1984-86 subalit ibinibintang ngayon sa New People's Army. Sa panahong umano'y nangyari ang mga pamamaslang, siya ay nasa kulungan ng reaksyonaryong militar.

Isa ring kasinungalingan ang paratang ng militar na nagtatago si Ka Randy sa underground bago hulihin sa pagpupulong ng KMP sa Negros. Siya ay litaw at legal na opisyal ng KMP. Maraming taon na siya ang deputy secretary general for external affairs ng KMP. Siya ay kagawad ng RWC on Social and Economic Reforms ng NDFP, holder siya ng NDFP document of identity at may proteksyon siya ng JASIG. Lumalahok siya sa lantad na pakikibakang elektoral ng Partidong Anakpawis.

Paglapastangan sa hustisya at paglabag sa kanyang mga karapatan ang pag-aresto at pagkulong sa kanya batay sa mga kasinungalingan. Isang brutal na pagsalakay ito sa uring magsasaka at sambayanang Pilipino, sa layuning reporma sa lupa at pagpapalaya sa bansa.

Kataksilan ng rehimeng Arroyo ang paglabag sa JASIG. Hindi maaaring magkaroon ng pormal na pag-uusap sa GRP-NDFP peace negotiations habang nakakulong si Ka Randy. Gayundin ang masasabi natin tungkol sa iba pang consultant na inaresto, pinaglaho, tinortyur o pinaslang ng mga militar.

Dapat palayain si Ka Randy at iba pang mga consultant ng NDFP at mga aktibistang inaresto at ikinulong ng mga kaaway ng bayan. Gamitin natin ang lahat ng paraan para mapalaya sila. Kabilang na rito ang mga legal na paraan, tulad ng kilusang masa tungo sa pagpapatalsik sa rehimeng Arroyo, ang prosesong hudisyal at negosasyon sa kapayapaan.

Kung mabibigo ang lahat ng legal na paraan, may mga paraang rebolusyonaryo na makakapagpalaya hindi lamang sa mga nakabimbing lider ng pambansa demokratikong kilusan kundi sa sambayanang Pilipino na nakapiit sa malaking bilangguan ng mga imperyalista at mga malalaking komprador at asendero.

Bukod sa mensaheng ito, nais kong mag-ambag ng isang awit, "The Bladed Poem", mula sa CD album na pinamagatang Poetry in Songs. ###

return to top

back



what's new