|
Panayam kay Prop. Jose Maria Sison Hinggil kay GMA at Thaksin
Ni Angel L. Tesorero
Pinoy Weekly
22 September 2006
Angel L. Tesorero (ALT): Prof. Sison, magandang araw! Ginulantang ang mundo
ng matagumpay na paglulunsad ng kudeta ng militar ng Thailand habang nasa UN ang kanilang punong
ministro na si Thaksin. Halos kasabay ng panawagang patalsikin sa puwesto si Thaksin ang pagpapatalsik
din kay Pangulong Arroyo. Gusto ho namin kayong hingan ng pagtingin/analisis sa nangyari sa Thailand
at iugnay ito sa sitwasyon sa ating bansa. May papel po kaya ang US sa nangyari sa Thailand?
Prop. Jose Maria Sison (JMS): Parehong sukdulang arogante, korap, mapagsamantala,
malupit at sinungaling sina GMA at Thaksin. Parehong hiwalay na hiwalay sila sa mga mamamayan. Gusto
silang ibagsak ng mga mamamayan. Mas may relative autonomy mula sa US ang Hari at mga military
officers ng Thailand kaysa sa mga military officers ng reaksiyonaryong gobyerno ng Pilipinas. Kung
nagkasundo ang Hari at military officers na ibagsak ang Prime Minister at gobyerno niya, tiyak na
matutuloy ang pagbagsak at hindi na kailangan ang pakikialam ng US.
(ALT): Si GMA naman, papunta ng US sa Nobyembre, ano kaya ang kanyang
gagawin para hindi mangyari sa kanya ang nangyari kay Thaksin?
(JMS): Sa tingin ko, wala pang military group na makakagawa ng kudeta sa
Nobyembre. Wala akong nakikitang military group na handang manghuli o magparusa sa mga tutang
heneral ni GMA na katulad ni Esperon. Mas probable na ibagsak ng mass movement si GMA sa darating
na taon kung more than 78 opposition congressmen ang lalabas sa 2007 elections o mandaraya siya para
mapigil ang bilang ng congressmen na makaka-impeach sa kanya o kung ipilit niya ang cha-cha sa anumang
paraan.
(ALT): May bali-balita rin na nagsalita na raw si Joc-joc Bolante tungkol sa fertilizer
scam kaya puwedeng "ilaglag" ng US si GMA. At kamakailan lamang nagsalita si US envoy Kenney na
kinokondena ang HR violations ng administrasyong Arroyo at naglinaw din siya na walang kinalaman
ang kaso ni Bolante sa Subic rape case.
(JMS): Lagot ang mag-asawang Arroyo kung magsalita si Bolante laban sa kanila
tungkol sa fertilizer scam at iba pang bagay. Pero hindi ako aasa sa mga bali-balita.
(ALT): Sa kaso ng Thailand, nagtagumpay ang kudeta; sa Pilipinas madali itong
nasasawata. Paano ho kaya titingnan ang sitwasyong pampulitika ng dalawang bansa?
(JMS): Mahirap mangyari ang kudeta sa Pilipinas laban sa isang presidente kung
walang pahintulot at suporta ng US. Ang matagumpay na kudeta ay yong ginawa ni Marcos laban sa
equal braches of government (legislative at judicial) noong 1972. Kung ituring na kudeta ang pandaraya
sa 2004 election sa pamamagitan ng militar, matagumpay din si GMA dahil ginamit niya ang office of
president at AFP. Parang military junta ang cabinet ni GMA sa dami ng military officers sa mga susing
posisyon.
(ALT): Ano naman ho ang pagtingin ninyo sa niraratsadang Cha-Cha ng gobyernong
Arroyo? May nagsasabing ito ang paraan ni GMA para mapanatili ang sarili sa puwesto at upang mapahupa
ang anumang protestang militar. Posible rin kayang kapag hindi natuloy ang Cha-Cha, ilaglag siya ng US?
(JMS): Ginagamit ni GMA ang maneobra sa ngalan ng chacha para tabigin ang
legitimacy issue kaugnay ng pandaraya sa 2004 elections at para magkamkam pa ng absolute o
dictatorial powers katulad ng kay Marcos sa pakunwaring transition leader siya (presidente at prime
minister) hanggang lubusang makalipat sa parliamentary form of government. Gusto ng US na mabago
ang 1987 constitution ayon sa kagustuhan. Pero kahit hindi nababago ang konstitusyong nakukuha
naman ng US ang gusto niya sa pamamagitan ng ibat ibang paraan. Gayunman, babagsak si GMA sa
darating na taon kung susulpot ang daan-daang libong masa sa mga lansangan at magkaroon ng
withdrawal of military and police support mula kay GMA tulad noong 1986 at 2001.
(ALT): Sakaling magkaroon din ng kudeta sa Pilipinas at magtagumpay ito, magiging
mas paborable po ba ang sitwasyon sa mga mamamayang Pilipino kumpara sa pamahalaang Arroyo?
(JMS): Maging mas masama pa ang kalagayan kung may kudeta at mga militar ang
maghahari sa Pilipinas. Dapat ang mga mamamayan ang umalsa at palitan si GMA ng isang civilian council
of leaders. Yong militar ay dapat limitado sa pag-urong ng suporta mula kay GMA at pag-neutralisa sa
mga sagadsaring loyalists ni GMA sa militar at burukrasya.
|
|