BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 


MENSAHE NG PAKIKIISA SA ALYANSA NG MANGGAGAWA SA PRUBINSYA NG LAGUNA

Ni Jose Maria Sison
Tagapangulo, International Network for Philippine Studies

Abril 28, 2002

Malugod akong bumabati at muling nakikiisa sa Alyansa ng Manggagawa sa Prubinsya ng Laguna sa okasyon ng ika-8 Kongreso nito.

Binabati ko ang lahat ng unyon at pederasyon sa alyansa sa pagkamit ng mga tagumpay sa pamamagitan ng masigasig na pagkilos at masikhay na pakikibaka.

Tumpak ang pagpili ninyo ng tema, Manggagawa, ipagtanggol ang karapatan at kabuhayan. Pamunuan ang pakikibaka ng sambayanan sa papatinding atake ng imperyalismong EU at pasistang rehimeng GMA sa mamamayan.

Ang krisis ng sistemang kapitalista ng Estados Unidos at ng buong daigdig, gayundin ang krisis ng local na naghaharing sistema ng malaking komprador at panginoong maylupa ay mabilis na lumalalala at nagdudulot ng matinding paghihirap sa mga mamamayan.

Ang alyansa, mga unyon at pederasyon nito ay nararapat na manindigan at kumilos para ipagtanggol ang mga demokratikong karapatan at ang kabuhayan ng mga mamamayan sa harap ng lalong pinatitinding pang-aapi at pagsasamantala na pataw ng imperyalismong Amerikano at ng brutal na rehimeng Arroyo.

Importante ang tungkulin ng Alyansa. Nagsisigasig kayo sa pagpapaunlad ng isang makapangyarihang pagbubuklod ng mga pederasyon sa paggawa at mga unyon sa isang susing prubinysa kung saan nakatayo ang mahahalagang empresa at kalapit ng punong pambansang rehiyon.

Makatitiyak kayo ng papalaking mga tagumpay dahil sa sinisinsin ninyo anng inyong lakas sa kongresong ito at nagpapanibagong tatag-loob kayo para pamunuan ang mga mamamayan sa mga militanteng pakikibaka na tumatahak sa landas ng pambansang kalayaan at demokrasya.

Paigpawin natin sa isang bago at higit na mataas na antas ang ating pakikibaka habang pinatitindi ng mga mang-aapi at magsasamantala ang kanilang masasamang patakaran at gawa. Ipagpatuloy natin ang rebolusyonaryong pakikibaka hanggat maaari para kamtin ang pambansa at panlipunang paglaya.

Mabuhay ang Alyansa ng Manggagawa sa Prubinsya ng Laguna!

Mabuhay ang kilusang pambansa’t demokratiko!

Mabuhay ang rebolusyong proletaryo sa buong daigdig!




return to top

back



what's new