BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 


Mensahe ng Pakikiisa sa San Miguel Brewery Workers' Cooperative 
Credit Union, Inc.

Ni Prop. Jose Maria Sison
Chairman, International Network for Philippine Studies
General Consultant, International League of People’s Struggle

Hunyo 29, 2003

Taos-pusong bumabati ako sa lahat ng opisyal at kasapi ng San Miguel Brewery Workers’ Cooperative Credit Union, Inc., pati sa mga pamilya nila, sa masayang okasyon ng Pangkalahatang Kapulungan ng Kasapian ng kooperatiba at ika-15 anibersaryo ng muling pagbangon nito mula sa guho ng korupsyon at pagsasamantala sa mga manggagawa.

Nakikiisa ako sa inyo sa lahat ng prinsipyo at pagsisikap ng kooperatiba para paglingkuran ang mga kasapi at mga pamilya nila. Kung gayon, sa diwa kalahok ako sa maligayang pagtitipon ng daan-daang kasapi at kamag-anak mula sa ibat ibang planta ng San Miguel Corporation (SMC) sa Kamaynilaan, Timog Katagalugan, Gitnang Luson at lalawigan ng Pangasinan.

Laging malapit sa aking puso ang mga manggagawa sa SMC hindi lamang dahil sa pangkalahatang pagtataguyod ko ng rebolusyonaryong misyon ng uring manggagawa kundi dahil din sa tuwirang kalahok ako sa pag-oorganisa sa mga manggagawa ng SMC noong dekada ‘60 sa linya ng tunay na unyonismo at pambansang demokratikong pagkilos.

Kung gayon, lubos kong ikinagagalak at hinahangaan ang mga tagumpay ng inyong kooperatiba sa makabayan at progresibong pagmumulat, sa solidong pag-oorganisa at wastong pamamahala sa pondo at iba pang rekurso para sa kabutihan ng mga kasapi.

Tumpak at angkop na patuloy ninyong taglay ang paninindigang "ang gawaing kooperatiba ay magiging makabuluhan kung nakasanib sa pambansa demokratikong kilusan masa". Sa gayon lamang maiigpawan ninyo ang mga atake at balakid na ginagawa ng malaking komprador-panginoong maylupa at mga alipuris nito upang pahinain at wasakin ang kooperatiba at unyon sa SMC.

Mapagpasiya ang inyong tamang paninindigan sa pagkakamit ng mga dating tagumpay. Ganoon din sa kasalukuyang paglalagom ninyo, paghango ng mga aral at pagtatakda ng mga panibagong tungkulin. Ganoon pa rin sa mga susunod na pagkilos ninyo.

Malaki ang aking tiwala na makonsolida ninyo ang mga tagumpay at lalo pa kayong makapagpalawak ng organisasyon. Ginagawang sabay ang konsolidasyon at ekspansiyon kahit na may ritmo ang diin sa bawat panahon at paalon-alon ang pagsulong ng anumang organisasyon.

 

Mabuhay ang SMBWCCUI!

Mabuhay ang manggagawa ng SMC!

Mabuhay ang proletaryado at sambayanang Pilipino! ###




return to top

back



what's new