BRIEF MESSAGES & LETTERS, 2001 - Present

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 


Pakikiisa sa Kilos Masa sa Hulyo 25

Mensahe ni Prop. Jose Maria Sison
Ika-25 ng Hulyo 2005


Mahal na mga kababayan,

Taos puso akong nakikiisa sa inyong kilos masa sa okasyon ng SONA sa araw na ito. Kalahok ako sa diwa at sa abot ng aking kakayahan. Nanawagan ako sa lahat na lumahok tayo sa ganitong napakahalagang kilos masa.

Natutuwa akong makaalam na matatag ang kapasyahan ng napakaraming partido, organisasyon at indibidwal na paramihin ang bilang ng masang dadalo at pataasin ang antas ng kilusang masa para isulong ang mga pagsisikap na ibagsak ang rehimeng Arroyo.

Malaki ang aking tiwala na magiging matagumpay ang kilos masa ng Hulyo 25. Hindi ito mapipigil ng mga pananakot at panlilinlang na ginagawa ng rehimen. Umaapaw ang galit ng sambayanang Pilipino sa rehimen dahil sa pandaraya sa eleksyon, korupsyon, pagkapapet sa mga imperyalista at kalupitan.

Hindi natin mapahihintulutan na nanatili pa ang pekeng presidente sa kanyang nakaw na pwesto. Kasuklamsuklam na siya ang mag-uulat tungkol sa kalagayan ng bayan.

Tiyak na puro kasinungalingan ang kanyang sasabihin. Mag-iimbento ng mga tagumpay. Pagtatakpan ang kanyang mga krimen at muling gagawa ng mga hungkag na pangako.

Ang masang anakpawis (manggagawa, magsasaka, mangingisda at maralitang tagalunsod) at mga panggitnang saray ang siyang pinakamaalam sa kalagayan. Sila ang dumaranas sa hirap ng pagsasamantala at pang-aapi. Dinaranas nila ang kawalang trabaho at hanapbuhay, sadyang wage freeze, pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo, pagbigat ng buwis, pagbagsak ng halaga ng piso, kakulangan o pagkasira ng infrastructure, public utilities at social services at paglaganap ng kriminalidad.

Lumubha ang pagkabulok ng naghaharing sistema ng mga malaking komprador at asendero dahil sa pagsunod ng rehimeng Arroyo sa mga patakarang "free market" globalization na pataw ng US, IMF, World Bank at WTO. Umalagwa ang de-nationalization, liberalization, privatization at deregulation laban sa bansa, anakpawis at kapaligiran. Lumala ang depisit sa kalakalang panlabas at sa badyet. Umabot ang dambuhalang utang ng bangkaroteng gobyerno sa higit na 6 trilyong piso (kasama ang dayuhang utang na 56 bilyong dolyar). Sa nakaraang taon, 81 per cent ng buwis ang ibinayad sa debt service. Sa taong ito aabot ito sa, 94 per cent.

Dapat malaman ng mga mamamayan kung bakit ang karamihan ng mga empleyado sibil at mga opisyal at tauhan sa militar at pulis ay galit sa rehimeng Arroyo. Ang tunay na halaga ng mga sahod nila ay pabagsak. Ang mga pangakong umento hindi tinutupad. Tinanggalan ng COLA (cost of living allowance) ang 400,000 na guro sa mga paaralang publiko. Abot na sa 50 bilyong piso ang dinaya sa kanila magmula 2001. Sa nakaraang apat na taon din, ipinagkait ng rehimen sa mga retiradong militar at pulis ang pension adjustment at benefits na takda ng batas. Kung gayon, galit na galit ang mga militar at pulis, liban sa ilang loyalista na busog sa pangungurakot.

Dapat panagutin ang buong rehimeng Arroyo. Di dapat mangyari na papalitan lamang ni Noli de Castro si Gloria M. Arroyo. Magkasabwat ang dalawa sa pandaraya sa eleksyon at sa pagpapairal ng mga patakarang laban sa bayan at anakpawis. Dapat tanggalin ang dalawa. Itakwil at ibagsak ang buong rehimeng Arroyo na immoral at illehitimo ang katayuan dahil sa pandaraya sa eleksyon at iba pang krimen sa bayan.

Wasto ang sumusunod na patakaran ng BAYAN: magkaroon ng transitional council na papalit agad sa rehimeng Arroyo. Para buuin ang pansamantalang konsehong ito, dapat gumawa ng asambleya ng bayan ang mga pinakamalaki at pinakaaktibong mga partido at organisasyon. Ang mga delegado sa asambleya ang hahalal sa mga miyembro ng council. Magiging tungkulin ng council na mamuno sa paggawa ng isang patriyotiko at progresibong programa ng pamamahala at mangasiwa ng panibagong eleksiyon sa loob ng anim na buwan.

Mayroon nang impormal at pleksibleng malawak na nagkakaisang hanay ang ibat ibang Partido, organisasyong pangmasa at mga grupo ng militar at pulis laban sa rehimeng Arroyo. Mabilis na nakakapagbukas daan ang hanay na ito sa pagpupukaw at pagpapakilos sa palaki nang palaking bilang ng masang Pilipino. Itinataguyod ng mga patriyotiko at progresibong pwersa ang malawak na nagkakaisang hanay subalit may kasarinlan at inisyatiba sila.

Mainam na kung matapos ang pagpapabagsak sa rehimeng Arroyo patuloy ang naturang hanay at may mga kinatawan ng mga patriotiko at progresibong pwersa sa transition council at bagong gobyerno dahil kinakailangan ang malawak at malakas na pambansang pagkakaisa upang harapin at lutasin ang patuloy na krisis at malulubhang problema sa bulok na naghaharing sistema.

Kung walang mga patriotiko at progresibong pwersa sa loob ng bagong gobyerno, hindi makakagawa ang gobyernong ito ng mga makabuluhang reporma sa ekonomiya, lipunan, pulitika, kultura at pakikiugnay sa labas ng bansa. Magiging madaling target muli ng kilusang masa ang isang gobiyerno ng mga sagadsaring papet at reaksiyonaryo. Pero kung may mga mabubuting opisyal at patakaran ng bagong gobiyerno, mas madaling makipag-usap at makipagksundo ito sa National Democratic Front of the Philippines sa pamamagitan ng peace negotiations.

Hangarin ng sambayanang Pilipino na buwagin na ang malakonyal at malapiyudal na naghaharing sistema para itatag ang isang sistema na tunay na malaya sa mga imperyalista, may kasarinlan, may demokrasya, may hustisya sosyal, may lahatang panig na pag-unlad at may patakarang panlabas na nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran. ###



what's new