|
MAPULANG SALUDO KAY KA DAN VIZMANOS
Ni Prop. Jose Maria Sison
Tagapangulo, International Coordinating Committee
International League of Peoples' Struggle
May 5, 2008
Malugod kong pinapaabot ang maalab na rebolusyonaryong pagbati kay
Ka Dan Vizmanos! Isang karangalan at kasiyahan na ako ay kalahok sa
pagpupugay at pagpapasalamat sa kanya sa kanyang maraming mahahalagang
ambag sa kilusan ng pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa mga
imperyalista at mga lokal na reaksyonaryo. Mapulang saludo sa iyo, Ka Dan!
Sa kabila ng persepsyon na wala akong inintindi kundi paano labanan at
lipulin ang mga opisyal ng reaksyonaryong estado, laluna ang mga nasa
aparato ng panunupil, lagi akong nagmamasid kung sinu-sino ang mga
makabayan at progresibong elemento sa loob ng kaaway na estado. May
paniwala akong matatag na mapapadali ang pagsulong ng demokratikong
rebolusyon ng bayan kung maaakit ang mga opisyal ng reaksyonaryong
gobyerno sa panig ng taumbayan at rebolusyon.
SA GANITONG DIWA, NAPANSIN KO AGAD ANG KONTROBERSYA NOONG
DEKADA NG 1960 TUNGKOL SA DISERTASYON NI KA DAN NA MAY
PROGRESIBONG KONGKLUSYON NA DAPAT MAGKAROON NG DIPLOMATIKO
AT KALAKALAN SA PAGITAN NG SOSYALISTANG TSINA AT PILIPINAS
ALANG-ALANG SA SOBERANIYA NG BAWAT ISA AT PARA SA MUTWAL
NA PAKINABANG. PINAGKAGULUHAN ITO SA LOOB NG PAPET NA ESTADO
AT SA HANAY NG MGA OPISYAL NG REAKSYONARYONG HUKBO. MAGMULA
NOON IPINAGKAIT NA KAY KA DAN ANG RANGGONG BITUIN.
Lalong naging hayag at matatag ang pagtahak at pagkilos niya sa linya ng
pambansang kasarinlan at demokrasya. Naging malapit siya sa mga kasamang
katulad nina Ka Tony Zumel at Ka Satur Ocampo. Laging minamahalaga ng
kilusan ang kanyang mga opinyon at payo. Ibayong paghanga ang kanyang
nakamit mula sa kilusan habang ibayong linalabanan niya ang panunupil ng
rehimeng Marcos sa mamamayan at sa kanya mismo hanggang siya ay
ikinulong sa ilalim ng pasistang diktadura.
PARANG MATAGAL NA KAMING MAGKAKILALA AT MAGKALAPIT NG LOOB
NOONG UNA KAMING MAGKITA NI KA DAN KAUGNAY NG PAGTATATAG
NG PARTIDO NG BAYAN NOONG 1986. PUMAYAG PA SIYANG MAGBUO
NG GRUPO NG MGA OPISYAL NG REAKSYONARYONG HUKBO PARA HIMUKIN
ANG MAS MARAMI PA SA PANIG NG INAAPI AT PINAGSASAMANTALAHAN
AT SA MAKABAYAN AT PROGRESIBONG LANDAS. NAGING TAMPOK ANG
KANYANG MGA SULATING SUMASALUNGAT SA REAKSYONARYONG SISTEMA
AT ANG KANYANG PAGKILOS BILANG OPISYAL NG BAYAN, SELDA, PARTIDO
NG BAYAN AT IBA PANG PORMASYON.
Maalam at magiting si Ka Dan sa pagtatuguyod sa mga karapatan at interes
ng sambayanang Pilipino laban sa mga imperyalista at lokal na reaksyonaryo.
Subalit sa kanyang diwa at estilo ng pagkilos lagi siyang mapagpakumbaba
sa paglilingkod sa masa at sa pakikipagtulungan sa mga kasama, kahit na
napakataas ng mga posisyong kanyang inabot sa mga organisasyong kanyang
kinilusan.
ILANG ULIT NA NAKAPUNTA SI KA DAN SA OLANDA. TUWI NAMING SIYANG
MAKASAMA SA MGA PORMAL AT IMPORMAL NA PAGTITIPON, LAGING
NAKALULUGOD AT MABUNGA ANG AMING MGA TALAKAYAN TUNGKOL
SA KALAGAYAN NG INANGBAYAN AT MGA TUNGKULIN PARA ISULONG
ANG KILUSAN NG SAMBAYANANG PILIPINO PARA SA PAMBANSANG
PAGPAPALAYA AT DEMOKRASYA.
Maipagmamalaki namin at ng lahat ng kababayan na si Ka Dan Vizmanos ay
isang dakilang bayani at tunay na kawal ng bayan. Wagas ang kanyang
hangaring makamit ng sambayanang Pilipino ang pambansang kasarinlan,
demokrasya, hustisya sosyal, lahatang panig na pag-unlad at matibay dahil
makatarungang kapayapaan. ###
|
|